Saturday, July 12, 2014

i shoot, i ride "heritage town of PILA LAGUNA"

finally, after a long ride traveled  from cavite to laguna, we reached our destination, the town of PILA. Medyo makulimlim ang panahon at merong kaunting ambon ang naranasan namin habang pumapadyak at ito ay isang magandang pagkakataon para ma-enjoy ang paglilibot sa napakagandang bayan ng PILA.

municipal of pila laguna
Maybe this municipal hall are familiar to us, ito ay dahil dito ginanap ang filipino political drama TV series na "Bayan Ko".

pard's chibugan
 Dito din sa bayan ng Pila kinuhanan ng ilang eksena ang sikat na daytime television drama ng ABS-CBN na "Be careful with my heart". This old house is also known as "pard's chibugan".



old ancestral house


 Maliit lang ang bayan ng PILA, madali lang ito libutin lalu't meron kang gamit na bisikleta. Makikita dito ang mga sinaunang bahay na ginawa pa noong panahon ng mga kastila at masasaksihan mo din kung paano pinanatili at iniakma ng mga tao dito ang kagandahan ng lugar sa kabila ng patuloy na pag-asenso at pagbabago dulot ng makabagong modernisasyon.

Friday, July 11, 2014

i shoot, i ride "San Antonio de Padua Parish Church"

Isa ang probinsya ng LAGUNA sa pinaka madaming lumang simbahan na hanggang ngayon ay nakatayo at patuloy na inaalagaan at pinupuntahan ng mga tao, isa na dito ang San Antonio de Padua Parish Church na matatagpuan sa bayan ng PILA. Ayon sa kasaysayan ang San Antonio de Padua Parish Church sa bayan ng Pila ang kauna-unahang simbahang Antonino sa Pilipinas.

San Antonio de Padua Parish Church
 San Antonio de Padua Parish Church is in front of PILA municipal hall, and surrounded by many old ancestral house.








 
San Antonio de Padua Parish Church

Thursday, July 10, 2014

i shoot, i ride "a road to PILA LAGUNA"


June 25, 2014, 10:30pm isang gabing nabuo ang biglaang plano para umpisahan ang paglalakbay gamit ang bisikleta mula cavite hanggang laguna, ang napiling destinasyon? PILA LAGUNA.

PILA LAGUNA, isang munting bayan sa laguna na mayaman sa kultura. Isang bayan na kilala sa pagkakaroon ng mga sinaunang bahay (ancestral house) mula pa noong panahon ng mga kastila http://travel2move.blogspot.com/2014/09/i-shoot-i-ride-heritage-town-of-pila.html. Dito din matatagapuan ang kaunaunahang simbahang Antonino ng pilipinas http://travel2move.blogspot.com/2014/09/i-shoot-i-ride-san-antonio-de-padua.html .





laguna de bay

June 26, 2014, 5am nang simulan namin ang pag padyak papunta sa aming destinasyon, (from carmona cavite to pila laguna).

HDR photo
isa sa mga advantage ng paggamit ng bisikleta sa iyong paglalakbay ay pwede mong mapuntahan lahat ng lugar na gustuhin mo katulad nalang ng larawang ito na kuha malapit sa laguna de bay.


kilala din ang probinsya ng laguna pagdating sa agrikultura, isa sa mga pangunahing ikinabubuhay ng mga tao rito ay ang pagsasaka.

kuliglig riders


kung nature tripping ang hilig ninyo, laguna is one of the best place to go, maraming lugar sa laguna ang hindi pa polluted,  masarap mag bike kapag sariwa ang hangin, sabayan pa ng mabangong amoy dulot ng halamang palay sa paligid, bonus nalang ang makulimlim na panahon.


kumpareng NOEL ZABALSA