Sunday, November 30, 2014

oh wow! batulao!

MT. BATULAO Anung meron sa mt. batulao, bakit ka mapapa-wow? isa ito sa mga dahilan kung bakit ko gustong akyatin ang mt. batulao. Kapag bumabayahe ako papuntang batangas nasugbu madalas makaagaw ng aking pansin ang kakaibang hitsura ng bundok na ito na matatanaw mo along the way. 


view from the highway

Isa ang mt. batulao sa mga bundok na madalas puntahan ng mga mountaineers specially yung mga beginners. Bukod sa banayad lang ang trail, ito ay may madaling access ng transportation especially if you are  from Metro Manila. Meron dalawang trail ang mt. batulao, ito ay ang old trail at new trail. 

new trail
Hindi problema ang tubig dito, along the trail meron mga tindahan na mabibilhan ng tubig, meron pa ngang lugaw at halo-halo, sa campsite naman meron ding tindahan na nagbebenta ng mga foods and water, meron din c.r pero di ganun kalinis. Ang klase ng trail dito ay grassy kaya mas maganda kung ikaw ay naka-suot pants and long sleeve (arm sleeve) mas okay din kung naka suot ka ng shades proteksyon sa uv ray ng araw.

grassy trail

sunset from the top
from the summit
Sulit na sulit ang pag akyat sa mt. batulao and for sure mapapa WOW talaga kayo sa napaka gandang view along the trail and sa summit. Isang bagay na wala sa siyudad, ang sariwang hangin, tahimik na paligid at magandang tanawin.

Saturday, July 12, 2014

i shoot, i ride "heritage town of PILA LAGUNA"

finally, after a long ride traveled  from cavite to laguna, we reached our destination, the town of PILA. Medyo makulimlim ang panahon at merong kaunting ambon ang naranasan namin habang pumapadyak at ito ay isang magandang pagkakataon para ma-enjoy ang paglilibot sa napakagandang bayan ng PILA.

municipal of pila laguna
Maybe this municipal hall are familiar to us, ito ay dahil dito ginanap ang filipino political drama TV series na "Bayan Ko".

pard's chibugan
 Dito din sa bayan ng Pila kinuhanan ng ilang eksena ang sikat na daytime television drama ng ABS-CBN na "Be careful with my heart". This old house is also known as "pard's chibugan".



old ancestral house


 Maliit lang ang bayan ng PILA, madali lang ito libutin lalu't meron kang gamit na bisikleta. Makikita dito ang mga sinaunang bahay na ginawa pa noong panahon ng mga kastila at masasaksihan mo din kung paano pinanatili at iniakma ng mga tao dito ang kagandahan ng lugar sa kabila ng patuloy na pag-asenso at pagbabago dulot ng makabagong modernisasyon.

Friday, July 11, 2014

i shoot, i ride "San Antonio de Padua Parish Church"

Isa ang probinsya ng LAGUNA sa pinaka madaming lumang simbahan na hanggang ngayon ay nakatayo at patuloy na inaalagaan at pinupuntahan ng mga tao, isa na dito ang San Antonio de Padua Parish Church na matatagpuan sa bayan ng PILA. Ayon sa kasaysayan ang San Antonio de Padua Parish Church sa bayan ng Pila ang kauna-unahang simbahang Antonino sa Pilipinas.

San Antonio de Padua Parish Church
 San Antonio de Padua Parish Church is in front of PILA municipal hall, and surrounded by many old ancestral house.








 
San Antonio de Padua Parish Church

Thursday, July 10, 2014

i shoot, i ride "a road to PILA LAGUNA"


June 25, 2014, 10:30pm isang gabing nabuo ang biglaang plano para umpisahan ang paglalakbay gamit ang bisikleta mula cavite hanggang laguna, ang napiling destinasyon? PILA LAGUNA.

PILA LAGUNA, isang munting bayan sa laguna na mayaman sa kultura. Isang bayan na kilala sa pagkakaroon ng mga sinaunang bahay (ancestral house) mula pa noong panahon ng mga kastila http://travel2move.blogspot.com/2014/09/i-shoot-i-ride-heritage-town-of-pila.html. Dito din matatagapuan ang kaunaunahang simbahang Antonino ng pilipinas http://travel2move.blogspot.com/2014/09/i-shoot-i-ride-san-antonio-de-padua.html .





laguna de bay

June 26, 2014, 5am nang simulan namin ang pag padyak papunta sa aming destinasyon, (from carmona cavite to pila laguna).

HDR photo
isa sa mga advantage ng paggamit ng bisikleta sa iyong paglalakbay ay pwede mong mapuntahan lahat ng lugar na gustuhin mo katulad nalang ng larawang ito na kuha malapit sa laguna de bay.


kilala din ang probinsya ng laguna pagdating sa agrikultura, isa sa mga pangunahing ikinabubuhay ng mga tao rito ay ang pagsasaka.

kuliglig riders


kung nature tripping ang hilig ninyo, laguna is one of the best place to go, maraming lugar sa laguna ang hindi pa polluted,  masarap mag bike kapag sariwa ang hangin, sabayan pa ng mabangong amoy dulot ng halamang palay sa paligid, bonus nalang ang makulimlim na panahon.


kumpareng NOEL ZABALSA


Friday, February 21, 2014

food photography (ang pag papanggap)

Food photography is a still life specialization of commercial photography, aimed at producing attractive photographs of food for use in advertisements, packaging, menus or cookbooks. Professional food photography is a collaborative effort, usually involving an art director, a photographer, a food stylist, a prop stylist and their assistants - http://en.wikipedia.org/wiki/Food_photography
 
I am not professional in food photography, i just want to share my photos using my entry level camera with kit lens. make a research about food photography, its all about lighting, props, composition, macro, and enhancing the image. http://digital-photography-school.com/food-photography-an-introduction

LIGHTING using the light from the window (natural light)


adding props

macro shot


enhance

composition
lahat ng mga picture is base on experimentation lang, marami pang dapat i-correct. sabi nga nila, pitik lang ng pitik. madaming matututunan kung ating susubukan. :)

Saturday, February 15, 2014

mt. maculot; a view from (rockies)


MT. MACULOT,  located at Cuenca Batangas, 706 MASL (rockies), 1-2 hrs trekking from jump off point to rockies. A lots of mountaineer going to this mountain because of its breathtaking  view from the summit. meron 2 trails ang mt. maculot, the old trail and the new trail. as of now sarado na yung old trail and all mountaineers used the new trail. medyo may kahirapan ang pag akyat sa mt. maculot (for the beginner)  dahil puro assault, pero well-established naman ang trail, mahirap lang siguro kung tag-ulan. hindi din problema ang makukuhanan ng iinumin, along the trail madaming nagtitinda ng buko juice (10pesos) and halo-halo (30pesos).  

view from Rockies 1

view from Rockies,  scenic view of taal
from this view, no room for mistake. matarik at mabato sa point na ito ng summit kaya dapat triple ang pag iingat. 

skeleton of snake (sawa)
at the summit si kuya na nagbabantay ng tindahan (7-11 store kung tawagin ng mga mountaineer) ay gumagawa ng mga souvenir items galing sa buto ng sawa (snake). 

making souvenir
maraming umaakyat sa mt. maculot, kaya asahan na din na madaming basura. kung kaya naman natin dalhin yung kalat natin pababa sa jump off point dalhin na natin, minsan lang tayo aakyat ng bundok kaya sana hanggat maaari ingatan at alagan natin ang biyayang bigay ni Lord. be responsible :)

Thursday, February 13, 2014

my first street photography (DPP SHUTTER GAME)


INTRAMUROS MANILA; it was a great experience na makasama sa competition na katulad nito. walang expectation na kahit anu, basta pitik lang ng pitik kasama ang humigit kumulang 200 photographer na nagsama-sama sa intramuros manila kung saan ginanap ang digital photographer philippines (DPP) SHUTTER GAME.



one thing na natutunan ko is kung paano ang tamang approach kapag kukunan mo ng picture ang isang tao. importanteng maging magalang at humingi ng permission sa kukuhanan mo o kaya naman pwede din picture, then give them malaking ngiti from your face, then lakad mabilis papalayo :)




 sabi nila street photography is all about candid shot, oh ayan candid shot haha, pero sabi ng idol ko (ricky ladia) “There are no rules in photography, but only parameters”.  well hindi naman talaga ako photographer eh,  nakikirami lang :P .  pero masarap mabigyan ng pagkakataon na makasama  sa  lecture ng mga kilalang personalidad sa larangan ng photography like sir RICKY LADIA (street photography), and JHAY JALLORINAS (landscape photography).


testing ng tamang composition (ewan ko kung tama ba talaga)

lamok talaga pinipicturan ko dito nagkataon lang na okay pala ung reflection sa kanal


vintage bike






sa lahat nang nakasama ko, nakakilala ko salamat sa masayang araw na kasama ko kayo. hanggang sa muling pagkikita, pitik lang ng pitik :)