Sunday, November 30, 2014

oh wow! batulao!

MT. BATULAO Anung meron sa mt. batulao, bakit ka mapapa-wow? isa ito sa mga dahilan kung bakit ko gustong akyatin ang mt. batulao. Kapag bumabayahe ako papuntang batangas nasugbu madalas makaagaw ng aking pansin ang kakaibang hitsura ng bundok na ito na matatanaw mo along the way. 


view from the highway

Isa ang mt. batulao sa mga bundok na madalas puntahan ng mga mountaineers specially yung mga beginners. Bukod sa banayad lang ang trail, ito ay may madaling access ng transportation especially if you are  from Metro Manila. Meron dalawang trail ang mt. batulao, ito ay ang old trail at new trail. 

new trail
Hindi problema ang tubig dito, along the trail meron mga tindahan na mabibilhan ng tubig, meron pa ngang lugaw at halo-halo, sa campsite naman meron ding tindahan na nagbebenta ng mga foods and water, meron din c.r pero di ganun kalinis. Ang klase ng trail dito ay grassy kaya mas maganda kung ikaw ay naka-suot pants and long sleeve (arm sleeve) mas okay din kung naka suot ka ng shades proteksyon sa uv ray ng araw.

grassy trail

sunset from the top
from the summit
Sulit na sulit ang pag akyat sa mt. batulao and for sure mapapa WOW talaga kayo sa napaka gandang view along the trail and sa summit. Isang bagay na wala sa siyudad, ang sariwang hangin, tahimik na paligid at magandang tanawin.

No comments:

Post a Comment